im on a net shop right now...trying to upload some pics...but fate just doesn't permit me..hehehe..nagdradrama..
dear kim..kamusta ang bakasyon mo?..eto ako nababato... -sembreak by eraserheads
sembreak na sana..pero humabol ang english exam ko na sobrang pamatay...ang english ay isa sa mga subject ko na may chansa na bumagsak ako...sana lang gabayan ako ng diyos kasama ng konting sipag at tiyaga ay mapasa ko ito.,,, --> la lang..feel ko lang na ilagay...
anyways, kagabi... namroblema ako sa exam ko sa math...bakit?.. eto ang kwento,,,
finals na..math at socsci exam namin... date: 0ctober 4, 2005.. hindi na ako natulog para lang mag-review..hahaha
Nag-exam na kami sa math..hay nakaka-windang..nakakabaliw..haha..
in the middle of the exam binigay ni sir ang result nung 4th exam namin...at nakita ko na 55% ako..nadismaya na ako...at ang ang daming side comments ni sir..at oo nga pala sinabi niya na wag na muna naming tignan at dapat naming tapusin muna ang exam..kaya yun..balik sa pagcoconcentrate..taka nga ako dahil may dahil dalang stapler si sir..bakit kaya?..hayun, natapos ang exam..pati na rin ang socsci..kung saan marami sa mga sagot ko ay ibinahagi lang nga mga matatalino kong kaklase..
anyways, lumipas na lang ang gabi kasama ko sila ivan at lester...di na lang ako umuwi dahil sa math assignment..
haba na..saan pumasok ang staple wire?..eto na..hehe...
nang naglulunch kami..nabangit ni ivan ang grade niya sa 4th exam namin sa math...65 % daw siya at at 19 points nakuha niya...taka ako kasi 21.5 ako pero 55% lang ako..kaya pinakuha nila test paper ko at dun ko nalaman na nag minus si ng 5 points sa exam ko dahil naalis yung staple wire...
ewan ko..nashock ako..one thing to do..puntahan si sir..
pumunta ako ng school kasama si lory para ipass yung math exercise notebook namin para madagdagan rin kami ng 1 %...pero sa kasamaang palad...wala si sir..nag-iwan na lang ako ng note..
nung gabi pag dating ko sa bahay namin sa manila..hayun, nagtext ako kay sir...inexplain ko ang side ko..napaiyak pa nga ako dahil feeling ako ang daya eh..dahil di ako natulog para doon...sabi naman kasi ni sir nung 4th exam namin nung sinabi ko na naalis yung staple wire...ok lang daw at siya ang bahala..kaya di na ako nag-worry..
natutunan ko na...iba talaga ang college lalo na ang mag-aral sa up..at wag na wag kang mahiyang ilabas ang saloobin mo..dahil malay mo may magawa kang pagbabago..at binigyan tayo ng karapatan para ipahayag ang sarili natin..at ang pinaka-importante...magdasal ka sa Diyos..kagaya nga ng sabi ni mayor recom ..."PRAY HARD IT WORKS!"
ang ending ng kwento?..hindi ko pa rin alam,,,sana lang talaga nireconsider ni sir...ang huli niya kasing text ay... "yun pala eh..nagbitiw pala ako ng salita..sana sinabi mo kaagad eh di sana tapos na ito...ano nga pangalan mo'?"...yun..sana lang talaga..pinag-bigyan ako ni sir...
sige..hanggang dito na lang muna..ikikwento ko na lang ang susunod na kabanata pag meron na...upo muna ako rito..at aalis na mayang konti... sa uulitin...
No comments:
Post a Comment