Friday, December 12, 2008

Ang Laban natin, mga Isko at Iska ng UPDEPP.

From:                                     

kabesang tales

 

Date:                           12/12/2008 7:58 pm

 

Subject:                       Ang Laban natin, mga Isko at Iska ng UPDEPP.

 

Message:                   Ang Laban natin, mga Isko at Iska ng UPDEPP.

 

 

HI! salamat naman at babasahin mo 'to. Di masasayang oras mo pramis!

Maraming usapin ngayon ang kinakaharap nating mga estudyante ng UPDEPP. Siempre nangunguna na yung TOFI. Tapos walang dorm - delikado kaya sa mga boarding houses lalo na na nasa checkpoint ang mga boarding house. Lugar yun ng mga maiingay na bars na maraming kano at GRO. Wala rin tayong canteen - madumi sa flints saka di naman tamang lugar yun ng kainan. Yung ibang mga orgs walang tambayan. Kulang yung mga rooms. Walang sariling lugar para sa mga events. Sa lobby lang tayo ganon? Wala rin tayong sariling PUBLICATION. Under nga tayo sa Diliman pero may mga sariling issues at events rin tayo. Di sapat yung KULE para sa atin. Kung nga yung ibang colleges sa Diliman may publication. Dapat meron din tayo. Paraan to upang magkaisa tayo at mamulat sa mga usapin tungkol sa atin, mga Iskolar ng bayan. Marami pang mga issues ang UPDEPP, at hindi lang ang UPDEPP pero lahat ng UP units meron. Pero PEACEFUL dito sa Pampanga, di ba? Maraming issues pero marami din tayong walang pakielam.

Eh pano na yung mga apektado ng TOFI? Mga gustong magaral sa UP pero di na nakapagaral dahil sa taas ng tuition. Di na nga masyadong matunog ngaun ang issue ng TOFi sa UPDEPP. Siempre marami na ang sumangayon na lang kung anong meron(?) Oo nga ikaw nakakapagaral at natatamasa ang edukasyon sa prestihiyosong unibersidad. Pano yung iba? at pano ang mga kasalukuyang nagaaral sa UPDEPP at sa kahit saang UP na hindi alam kung saan kukuha ng susunod na pangtuition? tsk. tsk. tsk. Karapatan natin 'to! Karapatan natin ang mataas na kalidad na edukasyon na 'to. Mapalad na rin tayo dito sa UPDEPP dahil wala tayo masyadong binabayarang kung ano-anong fees. (electric fees) Ke dito lang ang issue o sa kahit saang UP pa, kailangan nating makielam, makisama sa pagkilos, makisama sa kampanya.

Ang pinakamatinding issue ngayon ay ang SR REFERENDUM. WApaK! kailangan nating mapanalo 'to. Laban! Nanganganib kase na baka wala ng Student Regent next year o baka iappoint nlang ng Malacanang kapag di nanalo ang referendum.

Ano ba ang SR?

Student Regent - siya ang kaisa-isang representante ng lahat ng UP students (systemwide) sa Board of Regents.

Ang Board of Regents - ang highest policy making body ng UP. (kumbaga sa Corporation, Board of Directors) Boses natin ang Student Regent sa Board of Regents.

Sa bagong UP Charter kase kailangan daw iratified ng (50% + 1) - mahigit kalahati sa 52, 000 UP Students ang Codified Rules on Student Regent Selection (CRSRS) sa pamamagitan ng referendum.

Mekanismo to ng administrasyon para mahirapan tayong magtalaga ng Student Regent. Kailangan nating magka-isa! SAMA-SAMANG PAGKILOS MGA ISKO AT ISKA!

ANO NA LANG MANGYAYARI KUNG WALA NG SR? HAMON SA'TIN 'TO MGA ISKOLAR! PA'NO NA MARIRINIG ANG BOSES NATIN? PANO MAIPAGLALABAN ANG KARAPATAN NATIN KUNG WALANG PUMOPROTEKTA AT SUMOSOPORTA SA ATING MGA KARAPATAN SA PINAKAMATAAS NA KAPULUNGANG NAGSASAGAWA NG POLISIYA SA UNIBERSIDAD? MABABAGO ANG KASAYSAYAN PAG NATALO TAYO! LABAN NATIN 'TO! MAKIISA TAYO.

KAILANGANG MAISAGAWA NA BUONG POPULATION NG UPDEPP AY BUMOTO SA PAGSANGAYON SA REFERENDUM. MALIIT MAN ANG ATING POPULASYON MALAKI NA ANG MAGAGAWA!

Simple lang naman ang kailangan mong gawin. Makialam. Makinig. At bumoto sa pagkapanalo ng referendum. Malapit na 'yon. Ipagkalat mo ang balita! aasahan kita...

***(P.S. by Helena) I received this message in my Friendster account. And for some reason I cannot trace whom it came from. Kaya kung sino ka naman… kabesang tales: isang pagpupugay sa mga sinabi mo. maraming salamat.

Maraming pagkakataon na minsan ay gusto ko ng panghinaan ng loob. Pero hanggat may mga bagay na dapat baguhin at pagbutihin, hinding hindi nakakasawang magsilbi lalo’t lalo nang may mga estudyanteng tulad mo na magiging karamay ko kasama ng aking konseho sa ating mga susunod pang pagdadaanan.  

UPDEPP:  kakayananin  natin lahat ng ito. Magtatagumpay rin tayo.

Mga iskolar ng bayan: Makialam. Tumindig. Umaksyon