Saturday, February 9, 2013

Revelations

A long message I got but worth every word. Revelations. 

The message below will reveal something in relation to this post


DB   5:37 PM   02/08/2013

biglaang message no, naalala ko lang bigla eh, medyo mahaba to, haha, saka gusto ko lang din magkwento 
ayun di ko pa to nabanggit sayo, or di pa natin napagusapan, haha, di ko naman talaga expect na mageexchange pa din tayo ng mga messages after college, eh sa totoo lang sa mga friends friends di naman ako yung unang nagiinitiate, akala ko introvert ako, pero siguro shy lang talga ako, ewan iba kasi nung nagcollege na, parang hindi ako "fit" ganun, excited ako magUP kasi akala ko makikilala ko dun mga coolest people, mga matatalino, saka yung cool lang ganun, hindi susyal, tapos siempre since gusto ko yung UP as liberal college, tapos pwede pa ako magstand sa kung anong advocacy ang trip ko, pwede, ayun naalala mo nga sinabi ko nun sayo nung nagdavao tayo na passive ako, and di ko talaga trip magsasali sa kung ano ano, aside sa mahiyain ako, feeling ko di ako fit, tipong, hindi ko naman trip yung mga trip nila, or minsan parang kalokohan lang naman, pero siempre naghahanap lang ako ng tiempo, gusto ko pa din maging somebody sa school saka magmake ng change and all,
nung 1st year sumali ako ng ccc, kasi religous group, tapos siempre may libre pagkain lang tapos member na pala ako haha, nakakatawa nga nun eh, saka siempre, wala talaga akong friends, saka di ako marunong makipagfriends, saka wala akong lugar kung san ako pwedeng magfit, pero ayun nung una ok naman na nagbbible study, medyo nagpaparticipate din ako sa mga activities nila kahit nagiisa lang ako, saka di man ako nakikipagkwentuhan, medyo naging loyal pa din nman ako, kaso nga lang nung nakita ko na medyo parang iba yung belief nila, I mean nirerespeto ko naman yun, pero ayun nafeel ko lang na self centered ang paniniwala nila, at hindi 'open'.
tapos ayun sumali ako sa AES, promising talaga yung grupo, akala ko there is more than Mr. and Ms. UP, kala ko may mga something pangmulat kamalayan na activities at economic immersion bla bla, pero what you see is what you get pala, yun na pala yun. nachallenge naman talaga ako sa culmi, saka parang gusto ko magstrive hard para maging part ng org at makapagcontribute, akala ko im on the right place na, pero nahirapan din ako magfit, ewan ko mahina lang siguro talaga loob ko, and mabilis ako mawalan ng gana, o kaya baka ako mismo eh self centered, tipong, marami akong reklamo at ideas na dapat ganito ganyan, pero hindi naman ako nagmamake move,
anyway, kinwento ko lang naman yan, turning point nung nagpunta tayo sa davao, sobrang dami kong natutunan, at nagkaron talag ako ng drive, though kahit don, nahihiya pa din ako magsalita T_T, (sorry na kung medyo nagaaway tayo nun, dahil nga dun, natakot na ako magpakita sayo sa school, akala ko galit ka,) tapos ayun namotivate talaga ako nung time na yun, andami kong nalaman, tapos tipong, "eto na yun" this is it, parang ganun, magiging active ako dito, ganun, gets mo ba, haha, tas siempre nagkaron ako ng guilt dahil wala akong nasshare, medyo katext ko pa nga nun yung iba, si bikay ba yun? nakalimutan ko pangalan, yung sa UP mindanao, ayun andami niyang sinabi sa akin, dapat ganito ganyan, nakakaguilty saka nakakalungkot, kapag madami na akong alam tapos gusto kong magtake ng stand, pero mahina yung loob ko para dun, at parang ayaw ko na lang madamay, and last thing, dahil nahihiya ako, so kaya ayun,
"volunteer" lang naman ako nun, so hindi ako kasama sa mga meetings niyo, HAHA, though gusto ko talaga maging active sa council, tapos ang nangyari pa, ewan ko, parang nagshut down na lang ako nun, nakakadepress kaya pag andami kong alam tas wala akong magawa, (grabe lang no, prinoblema ko yung problema ng iba, andami ko namang problema nun) that time, gusto ko talaga magLAE, sabi ko sa sarili ko, siguro pag may title na ako, paglaw student na ako sa UP, kaya ko ng magstand out, magspeak and all, saka gusto ko naman may cause palagi yung ginagawa ko, something intellectual, and something nakakagawa ng change, siguro ganun naman talaga pag youth, masyadong motivated sa mga pagbabago, anyway, yung gusto ko IBULGAR sayo eh, ako si kabesang tales, haha, dahil nga sa sobrang guilty ko nun sa mga bagay bagay, at dahil parang may committment tayo sa davao na "ready" na sa mga hamon sa school, kaya ayun, spur of the moment, gumawa ako ng article, inispread ko sa lahat ng mga up students na kakilala kong may friendster (yuck friendster haha), so yun lang naman,
ayun ate hel, medyo nadisapoint ako sa UP at first dahil hindi siya nagturn out the way I expect it, andaming susyal, tas mga org activities ganyan, walang cause related, puro pormahan, pagandahan, and walang pakielam yung mga tao sa nangyayari sa bansa, anyway, wala naman talaga akong pakielam, and alam mo yun, nakakasawa ding lumaban ng lumaban, dati idol ko yung mga satirists saka bumabatikos sa gobyerno, gusto din dating maging ganun, ilalabas yung baho ng gobyerno, pero ayun, siempre ano mong magagawa ko dun, nagawa na din naman ni rizal yan, wala pa din namang nangyari, mahirap pa din ang pilipinas (na payaman na ngayon, dahil recession sa america at europe, i think haha), pero nagenjoy naman ako sa mga activities sa UP nung 4th yr na, maganda nga na ganun mga activity natin sa pampanga, atlis mapayapa ang buhay natin, wala naman talagang problema, pero hinahanapan ko, hahah,
paggraduate ko, lahat ng akala ko, akala lang pala, kahit na UP ako, mahirap pa ding maghanap ng trabaho, tapos yung 15 thousand pesos, hindi ganun kalaki, hindi din ganun karami maiipon ko, at siempre marerealize ko na dapat tulungan ko muna pala yung sarili ko at pamilya ko sa magandang kinabukasan, bago yung gusto kong tulungan, gusto ko din namang yumaman at makatulong sa iba, pero siempre yung tulong sa iba, saka na yun, matagal tagal pa siguro, for now, kakain muna ako, haha,
napakwento ako! ahha, wala lang, naalala ko lang,

No comments:

Post a Comment